Your browser does not support JavaScript! UNDP, nag-donate ng 500,000 me­dical masks sa DOH para sa COVID-19 response - MYTFC – Lingkod Kabayan – Middle East Filipino Community Site - MyTFC Lingkod Kabayan is a community site for every overseas Filipino in the Middle East. It aims to provide reliable sources of information and knowledge that will help empower Filipinos, to help assist competent Filipino workforce in connecting them with the local employers and exploring job opportunities around the Middle East.

UNDP, nag-donate ng 500,000 me­dical masks sa DOH para sa COVID-19 response

Posted by: AdminLD

Jul 21, 2020

UNDP, nag-donate ng 500,000 me­dical masks sa DOH para sa COVID-19 response

Nagbigay nang 500,000 surgical masks sa Department of Health (DOH) ang Soong Ching Ling Foundation (SCLF) sa tulong ng United Nations Development Programme (UNDP). Aabot sa P8.5 million (CNY 1.2 million) ang halaga ng mga medical masks na naibigay noong Hulyo 8. 

Tumulong rin ang Department of Foreign Affairs (DFA) para sa handover. Sa tulong ng Philippine Embassy sa Beijing, UNDP-Philippines, at UNDP-China, nai-transport ng DFA ang mga masks patungong Pilipinas. 

Layunin ng DOH na gamitin ang mga nabigay na masks para maprotektahan ang mga frontliners na exposed sa COVID-19 gaya ng mga nurses, doctors, at hospital workers. Ito rin ay gagamitin  para protektahan ang mga pinaka-vulnerable sa pandemiya.

Image Source: UNDP | dfa.gov.ph

Keep your personal information secure and avoid sharing them on your community post.