Your browser does not support JavaScript! UAE at Qatar, kasama sa mga hinirang bilang pinaka-safe na bansa sa mundo ngayong 2020 - MYTFC – Lingkod Kabayan – Middle East Filipino Community Site - MyTFC Lingkod Kabayan is a community site for every overseas Filipino in the Middle East. It aims to provide reliable sources of information and knowledge that will help empower Filipinos, to help assist competent Filipino workforce in connecting them with the local employers and exploring job opportunities around the Middle East.

UAE at Qatar, kasama sa mga hinirang bilang pinaka-safe na bansa sa mundo ngayong 2020

Posted by: AdminLD

Jul 16, 2020

UAE at Qatar, kasama sa mga hinirang bilang pinaka-safe na bansa sa mundo ngayong 2020

Nirelease ni Numbeo, isang global ranking site, ang resulta ng kanilang Safety rankings para sa taong 2020. Mula sa 133 na bansa, nakamit ng United Arab Emirates ang pangatlong spot bilang pinaka-safe na bansa. Hinirang naman ang Qatar bilang pinaka-safe na bansa

Ginamit ng Numbeo ang kanilang crime index para madetermina kung aling bansa ang may pinakamababang bilang ng krimen. Nanalo ang Qatar dahil sa mayroon lang itong 11.90 points (out of 100) crime rate index at 88.10 points sa kanilang safety index. Samantalang, nakakuha naman ng 15.45 points crime rate index at 84.55 points safety index ang UAE. 

Kamakailan lang, binuksan na ng UAE ang bansa para sa mga turista matapos maglockdown dahil sa COVID-19. Ang influencer na si Nas Daily ay pumunta ng Dubai, UAE para ipakita na safe mag-travel dito matapos ang COVID-19. Idinetalye ng influencer kung paano siniguro ng mga awtoridad ang kanilang safety at proteksyon para hindi tuluyang kumalat ang COVID-19. Pahayag ni Nuseir Yassin, “Dubai is proof that it’s possible to travel again, we just need to put tourism second and safety first.”

Image Source: Olga OzikPixabay 

Keep your personal information secure and avoid sharing them on your community post.