Your browser does not support JavaScript! Taal Volcano Eruption: Anu-ano ang maaaring asahan sa susunod na mga araw? - MYTFC – Lingkod Kabayan – Middle East Filipino Community Site - MyTFC Lingkod Kabayan is a community site for every overseas Filipino in the Middle East. It aims to provide reliable sources of information and knowledge that will help empower Filipinos, to help assist competent Filipino workforce in connecting them with the local employers and exploring job opportunities around the Middle East.

Taal Volcano Eruption: Anu-ano ang maaaring asahan sa susunod na mga araw?

Posted by: AdminLD

Jan 16, 2020

Taal Volcano Eruption: Anu-ano ang maaaring asahan sa susunod na mga araw?

Pumatok ang Taal Volcano noong Linggo (Enero 2) at naka-raise ang Alert Level 4 o “Intense Unrest.”  Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), magkakaroon ng hazardous explosive eruption sa loob ng ilang oras o mga susunod na araw. Nababalutan ng ash fall ang CALABARZON, Metro Manila, Rizal, at ilang parte ng Quezon na maaaring magtagal ng hanggang tatlong araw.

Pinapayuhan ang lahat na gumamit ng face masks, gaya ng N95 masks, para maiwasang makalanghap ng ash mula sa hangin.

Nagbabala ang Phivolcs sa posibilidad na magkaroon ng "hazardous eruption" ang #TaalVolcano ngayong sunod-sunod ang lindol dulot nito. BASAHIN: http://bit.ly/2teCNCN

Posted by ABS-CBN News on Sunday, January 12, 2020

Ayon kay Renato Solidum, ang PHIVOLCS chief, ang patuloy na pagbuga ng Taal Volcano ng ash ay maaaring maka-trigger ng volcanic earthquakes. Mula linggo, naitala na ang halos 212 lindol sa Taal area. Halos 81 na lindol ang naramdaman ng mga nakapalibot rito, at tinatayang umabot sa intensity 5.

Halos 150,000 na residente na ang nag-evacuate mula sa Cavite, Batangas, at ilang area na malapit sa bulkan. Nagtungo ang mga residente sa ilang temporary shelters. Nakipagtulungan ang National Disaster Risk Reduction and Management Council, Armed Forces of the Philippines (AFP), humanitarian assistance and disaster relief (HADR), at ilang pribadong organisasyon sa patuloy na pag-rescue at evacuate ng mga naapektuhan.

Mula Linggo, nag-kansela na ng mga flights patungo at paalis ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) at Clark Airport dahil sa patuloy na pagbuga ng ash ng Taal Volcano. Mula Miyerkules, ilang airlines na ang nagsimulang magbalik operasyon gamit ang NAIA.

Ongoing phreatic explosion at the Main Crater of Taal Volcano. Photos taken from installed IP camera monitoring the activity of Taal Volcano.

Posted by Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS-DOST) on Saturday, January 11, 2020

Patuloy ang pagmomonitor ng PHIVOLCS sa sitwasyon dahil sa posibilidad na tumaas sa Alert Level 5 ang eruption. Base sa history ng eruption ng Taal Volcano, maaaring magtagal ang eruption ng ilang araw hanggang ilang buwan.

Image Credit: Exec8 | Wikimedia Commons

Keep your personal information secure and avoid sharing them on your community post.