Your browser does not support JavaScript! Philippine Embassy hinihikayat ang mga Pinoys sa Libya na mag-evacuate - MYTFC – Lingkod Kabayan – Middle East Filipino Community Site - MyTFC Lingkod Kabayan is a community site for every overseas Filipino in the Middle East. It aims to provide reliable sources of information and knowledge that will help empower Filipinos, to help assist competent Filipino workforce in connecting them with the local employers and exploring job opportunities around the Middle East.

Philippine Embassy hinihikayat ang mga Pinoys sa Libya na mag-evacuate

Posted by: AdminLD

Jan 13, 2020

Philippine Embassy hinihikayat ang mga Pinoys sa Libya na mag-evacuate

Nananawagan ang Embahada ng Pilipinas na mag-evacuate na ang mga Filipinos mula sa Libya dahil sa patuloy na conflict sa bansa. Ito’y pinahayag ng embahada matapos masagip ang walong nurses sa clinic kung saan malapitang nangyayari ang labanan. Maliban sa walong nurses, higit 30 na Filipinos na ang nag-evacuate mula sa kani-kanilang bahay sa Tripoli, ang capital ng Libya.

Ayon kay Chargé d’Affaires Elmer Cato ng Embahada ng Pilipinas, halos 400 na OFWs ang at risk dahil sa umiigting na sitwasyon sa Libya. “He [Cato] said they should relocate as soon as possible to avoid becoming collateral damage. He also informed them that they can also avail themselves of the repatriation program of the Philippine Government,” dagdag ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa isang pahayag.

Pinapaalala ng Embahada ng Pilipinas na tutulong ito para sa pag-relocate, pagbibigay ng pansamantalang matutuluyan, at pag-repatriate ng mga Filipinos na makikipag-ugnayan sa kanilang opisina.

Image Credit: Randy ColasUnsplash

Keep your personal information secure and avoid sharing them on your community post.