Your browser does not support JavaScript! PAALALA: Dh 400 na fine para sa mga lalabag ng bagong traffic rule na ito sa Abu Dhabi! - MYTFC – Lingkod Kabayan – Middle East Filipino Community Site - MyTFC Lingkod Kabayan is a community site for every overseas Filipino in the Middle East. It aims to provide reliable sources of information and knowledge that will help empower Filipinos, to help assist competent Filipino workforce in connecting them with the local employers and exploring job opportunities around the Middle East.

PAALALA: Dh 400 na fine para sa mga lalabag ng bagong traffic rule na ito sa Abu Dhabi!

Posted by: AdminLD

Dec 09, 2019

PAALALA: Dh 400 na fine para sa mga lalabag ng bagong traffic rule na ito sa Abu Dhabi!

Mula Disyembre 1, ang right lane ng King Abdullah bin Abdulaziz Street sa Abu Dhabi ay para sa emergency vehicles, public transport buses at taxis, at Abu Dhabi Police at Patrols na lamang. Bawal na dumaan ang mga pribadong sasakysan sa lane na ito.

Ang sinumang pribadong motorista ang gumamit ng lane na ito ay makakakuha ng Dh 400 na traffic fine. Ayon sa Abu Dhabi Police, “Drivers who fail to abide by the instructions will attract a fine of Dhs400 in accordance with Article 93 of the Traffic Law, which provides that regular vehicles are not allowed to pass on the routes allocated for emergency vehicles, public buses and taxis except in the authorized cases.

Kaakibat ang pagsara ng right lane na ito sa kampanya ng Dubai police na tinatawag na “Give Way, Give Hope.” Layunin ng UAE authorities na bigyang-diin ang importansya ng pagbibigay ng prayoridad para sa mga emergency vehicles. Inaasahan ng Abu Dhabi Police ang kooperasyon ng mga motorista para sa pag-promote ng mas ligtas na daan.

Image Credit: Igor MiskeUnsplash

 

Keep your personal information secure and avoid sharing them on your community post.