Your browser does not support JavaScript! Oman nagdagdag ng mga hospital beds para malabanan ang COVID-19 - MYTFC – Lingkod Kabayan – Middle East Filipino Community Site - MyTFC Lingkod Kabayan is a community site for every overseas Filipino in the Middle East. It aims to provide reliable sources of information and knowledge that will help empower Filipinos, to help assist competent Filipino workforce in connecting them with the local employers and exploring job opportunities around the Middle East.

Oman nagdagdag ng mga hospital beds para malabanan ang COVID-19

Posted by: AdminLD

Jul 13, 2020

Oman nagdagdag ng mga hospital beds para malabanan ang COVID-19

Umabot na sa 56,015 ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa Oman. Noong nakaraang Linggo, nagkaroon ng 1,318 bagong kaso nga mga infections. Mula sa total na ito, mayroong 309 na non-Omanis ang infected. Dahil sa biglang dagdag ng mga kaso ng COVID-19 sa bansa, naghahanda na muli ang mga ospital sa Oman para matugunan ito. 

Nagsalita si Health Minister Ahmed bin Al Saeedi sa isang news briefing patungkol sa nakakatakot na pagdami ng mga COVID-19 patients. Aniya, “In the last six weeks there has been a radical change which is very disturbing and scary.” Sa ngayon, may kapasidad pa ang mga ospital para matugunan ang mga pangangailangan ng mga pasyente. Ngunit, nagdagdag na ng medical supplies at beds ang mga ospital lalo na para sa intensive care units. 

Kasabay ng pagdagdag ng mga kapasidad ng mga ospital, nagsagawa rin ang Oman Health Ministry ng nationwide survey sa mga citizens at non-citizens nito. Layunin nito ang maintindihan kung paano nakakalat ang COVID-19. Kasama sa pagkuha ng data ang pagkuha ng blood samples para mapag-aralan ang antibodies at ang interaksyon nito sa COVID-19. 

Nagtanggal ng lockdown ang bansa noong Hunyo 24. 

Image Source: Adhy SavalaUnsplash

Keep your personal information secure and avoid sharing them on your community post.