Your browser does not support JavaScript! Mga banyagang manggagawa na magbabalik sa Kuwait sasailalim sa health inspections - MYTFC – Lingkod Kabayan – Middle East Filipino Community Site - MyTFC Lingkod Kabayan is a community site for every overseas Filipino in the Middle East. It aims to provide reliable sources of information and knowledge that will help empower Filipinos, to help assist competent Filipino workforce in connecting them with the local employers and exploring job opportunities around the Middle East.

Mga banyagang manggagawa na magbabalik sa Kuwait sasailalim sa health inspections

Posted by: AdminLD

Jul 15, 2020

Mga banyagang manggagawa na magbabalik sa Kuwait sasailalim sa health inspections

Muling magbubukas ang mga testing centers sa Kuwait para matugunan ang health inspections ng mga magbabalik na banyagang manggagawa. Limitado sa 30% na kapasidad ng bawat center ang papayagang mai-check para makasunod sa safety protocols sa unang phase ng pagbabalik-normal ng bansa matapos ang kanilang lockdown. 

Apat ang available na testing centers sa Kuwait: sa Shuwaikh, Sabhan, Fahaheel, at sa Jahra. Kinakailangang magregister online ng mga banyagang manggagawa. Matapos mag-register, maa-assign sa kung saan at kung kailan magaganap ang health inspection. 

Mula unang linggo ng Hulyo, pinayagan ng mga awtoridad sa Kuwait na makabalik ang halos 158,000 na mga banyagang manggagawa na umuwi sa kani-kanilang bansa mula Marso. Pinayagang makabalik maski ang mga workers na may expired resident visa

Prayoridad para sa bansang Kuwait ang pagbabalik ng mga expatriates na medical professionals.

Image Source: AntonUnsplash

Keep your personal information secure and avoid sharing them on your community post.