Your browser does not support JavaScript! Magbabakasyon ba kayo sa Pilipinas ngayong Disyembre? Huwag kalimutang kumuha ng OEC para makabalik trabaho sa Middle East! - MYTFC – Lingkod Kabayan – Middle East Filipino Community Site - MyTFC Lingkod Kabayan is a community site for every overseas Filipino in the Middle East. It aims to provide reliable sources of information and knowledge that will help empower Filipinos, to help assist competent Filipino workforce in connecting them with the local employers and exploring job opportunities around the Middle East.

Magbabakasyon ba kayo sa Pilipinas ngayong Disyembre? Huwag kalimutang kumuha ng OEC para makabalik trabaho sa Middle East!

Posted by: AdminLD

Dec 18, 2019

Magbabakasyon ba kayo sa Pilipinas ngayong Disyembre? Huwag kalimutang kumuha ng OEC para makabalik trabaho sa Middle East!

Panahon na ngayon ng pagbabakasyon sa Pilipinas! Siguradong handa na ang mga regalo, pambakasyon, at mga pasalubong. Paalala sa mga OFW: huwag kalimutang ayusin ang mga dokumento para sa pagbalik sa iyong host country matapos ang inyong bakasyon sa Pilipinas.

Ang pinaka-importanteng asikasuhin ng mga magbabalik trabaho sa ibang bansa ay ang Overseas Employment Certificate (OEC). Alamin kung papaano makuha ang OEC online dito.

Anu-ano nga ba ang mga naka-ready na dokumento para makabalik sa host country?

1. OFWs na first-time magbabakasyon mula nang sila’y madeploy at babalik sa parehong employer at bansa

  • Valid Philippine Passport (not less than 6 months expiration date)
  • Valid re-entry visa
  • Copy ng employment contract na na-verify o na-authenticate ng POLO/Embassy/Consulate
  • Proof of existing employment, gaya ng:
    • certificate of employment
    • valid work ID
    • recent payslip

2. OFWs na may record na sa POEA at babalik sa parehong employer, ngunit sa ibang bansa

  • Valid Philippine Passport (not less than 6 months expiration date)
  • Valid re-entry visa
  • Original copy ng employment contract na na-verify o na-authenticate ng POLO/Embassy/Consulate
  • Opisyal na letter ng employer na nagpapakitang itina-transfer ang empleyado sa parehong kumpanya pero sa ibang bansa
  • Proof of existing employment, gaya ng:
    • certificate of employment
    • valid work ID
    • recent payslip

3. OFWs na hindi registered sa POEA o nagbago ng employers on-site

  • Valid Philippine Passport (not less than 6 months expiration date)
  • Valid re-entry visa
  • Original copy ng employment contract na na-verify o na-authenticate ng POLO/Embassy/Consulate
  • Sworn statement ng empleyado na nagbibigay eksplanasyon kung paano siya na-hire ng kasalukuyang employer
  • Proof of existing employment, gaya ng:
    • certificate of employment
    • valid work ID
    • recent payslip

Kung ikaw ay registered na sa Balik Manggagawa Online Processing System at magbabalik sa parehong employer at bansa, maaaring i-avail ang OEC exemption. Mag-login sa BM Online at hanapin ang “How to Use the Online System.” Sundin ang instructions para malaman kung paano makakuha ng OEC exemption.

Siguraduhing handa ang mga dokumento bago umuwi ng Pilipinas para maging madali ang pagbalik trabaho pagkatapos ng bakasyon!

Image Credit: TeroVesalainenPixabay 

Keep your personal information secure and avoid sharing them on your community post.