Your browser does not support JavaScript! Kulong ang isang lalake na gumamit ng Dubai ID ng isang Expat para mangolekta ng pera sa bangko - MYTFC – Lingkod Kabayan – Middle East Filipino Community Site - MyTFC Lingkod Kabayan is a community site for every overseas Filipino in the Middle East. It aims to provide reliable sources of information and knowledge that will help empower Filipinos, to help assist competent Filipino workforce in connecting them with the local employers and exploring job opportunities around the Middle East.

Kulong ang isang lalake na gumamit ng Dubai ID ng isang Expat para mangolekta ng pera sa bangko

Posted by: AdminLD

Dec 17, 2019

Kulong ang isang lalake na gumamit ng Dubai ID ng isang Expat para mangolekta ng pera sa bangko

Siguraduhing ingatan ang inyong IDs habang nasa ibang bansa. Isang 34 anyos na Nigerian ang nahuling nagtangkang kumuha ng pera mula sa bangko, gamit ang Dubai ID ng isang expat. Inaresto at nasentensiyahan ng hanggang tatlong buwan na kulong ang lalake noong nakaraang Huwebes.

Ayon sa bank employee na nag-alerto sa mga pulis, pumasok ang lalake sa bangko at nagtangkang kolektahin ang pera na pinadala mula sa Oman. Nang hingin na ang kanyang mga dokumento,  binigay nito ang ID ng isang Kenyan na lalake. Base sa mga nakasaksi, nang tanungin ang lalake kung paano nakuha ang ID, hindi ito nakasagot. Dali-daling tumawag ng pulis ang mga empleyado ng bangko at inaresto ang lalake. Napag-alaman na hindi nanghingi ng permiso ang lalake sa paggamit ng ID.

Sa ngayon, dumarami na ang mga kaso ng fraud sa United Arab Emirates. Kadalasan, ito’y ginagawa para makakuha ng pera mula sa mga accounts. Isa sa karaniwang modus ay ang paggamit ng pekeng dokumento para makapangutang gamit ang credit cards. Isa pang modus ang pagpapanggap bilang bank staff o ahente at paghingi ng personal na impormasyon para magamit ito sa mga credit card companies. Noong Agosto, nakuhanan ng DH100,000 ang isang residente sa Dubai mula sa isang caller scam.

Image Credit: Christina SmithPixabay 

Keep your personal information secure and avoid sharing them on your community post.