Your browser does not support JavaScript! Kabayan Advice: Paano bumabalik ang new normal para sa mga nasa Saudi Arabia? - MYTFC – Lingkod Kabayan – Middle East Filipino Community Site - MyTFC Lingkod Kabayan is a community site for every overseas Filipino in the Middle East. It aims to provide reliable sources of information and knowledge that will help empower Filipinos, to help assist competent Filipino workforce in connecting them with the local employers and exploring job opportunities around the Middle East.

Kabayan Advice: Paano bumabalik ang new normal para sa mga nasa Saudi Arabia?

Posted by: AdminLD

Jul 11, 2020

Kabayan Advice: Paano bumabalik ang new normal para sa mga nasa Saudi Arabia?

Matapos ang pagtanggal ng lockdown sa Saudi Arabia noong Hunyo 20, unti-unti nang napupunta sa “new normal” ang buhay ng mga residente. Kasama ng mga pagbabalik ng mga non-essential businesses ang pagtatatag ng mga safety protocols para sa mga negosyante at customers. May rampatang penalties sa sinumang lalabag ng mga ito. Sa pamamagitan ng guidelines at penalties sinisiguro ng Saudi Arabia ang pagbaba ng mga kaso ng impeksyon at tuluyang pagtigil sa pagkalat ng COVID-19. 

Non-essential businesses gaya ng gyms, salons, at cinemas ay bukas at fully-operational na. Kinakailangang magpatupad ng “no mask, no entry” sa mga shops, magkaroon ng sanitation stations, at magprovide ng contactless payment options para sa kanilang customers. Kinakailangan rin limitahan ang mga customers sa isang shop para mapatupad ang social distancing. Maaaring mapatawan ng 1,000 SAR ang penalty sa negosyo. 

Kukunin rin ng mga tao ang oportunidad na makasalamuha ang kanilang mga pamilya at kaibigan. Matapos ang halos tatlong buwan ng lockdown, kinakailangang magkaroon ng social contact ang mga tao. Ayon kay sociologist Musaab Al-Abdullah, likhang social creatures ang mga tao. Maaaring ma-depress o malungkot ang sinumang hindi nakakasalamuha sa ibang tao ng matagal. 

Dagdag pa rito ang iba pang “new normal” ang pag-isolate sa sarili. Hindi mapipigilan na may mga hindi pa rin kumportable na lumabas at makipagkita sa mga events gaya ng family gatherings. Hindi dapat sila kinukulit o pinipilit lumabas ng kanilang mga bahay. 

Nagbago rin ang spending habits ng mga tao sa Saudi Arabia at mas naging matipid. Hindi na prayoridad ang mga luxury items. Mas inuuna ang mga gastusin para sa pamilya at safety. Ayon sa mga eksperto, maaaring magtagal ang recession dahil sa epekto ng COVID-19.

Image Source: Pintera StudioPixabay 

Keep your personal information secure and avoid sharing them on your community post.