Your browser does not support JavaScript! Illegal resident pinatawad ang 60,000 AED overstaying fees dahil sa pangalan ng kanyang anak - MYTFC – Lingkod Kabayan – Middle East Filipino Community Site - MyTFC Lingkod Kabayan is a community site for every overseas Filipino in the Middle East. It aims to provide reliable sources of information and knowledge that will help empower Filipinos, to help assist competent Filipino workforce in connecting them with the local employers and exploring job opportunities around the Middle East.

Illegal resident pinatawad ang 60,000 AED overstaying fees dahil sa pangalan ng kanyang anak

Posted by: AdminLD

Dec 29, 2019

Illegal resident pinatawad ang 60,000 AED overstaying fees dahil sa pangalan ng kanyang anak

Isang illegal na residente ng United Arab Emirates ay na-pardon ng isang judge. Imbes na magbayad ng halos 60,000 AED para sa kanyang overstaying fees, pinatawad ito ng judge nang malaman na siya’y may anak na ipinangalan sa founding father ng bansa na si Sheikh Zayed bin Sultan Al Nahyan.

Matagal nang overstaying ang isang Asian resident nang mahuli siya ng UAQ police at pinatawan ng prosekyusyon sa korte. Nang malaman ng Emirati judge ang pangalan ng kanyang anak, ipinatawad niya ang lahat ng overstaying fees nito bilang pagkilala. Ayon sa judge, “When it comes to Zayed, there is nothing impossible. You can only find bounty and generosity.”

Nagulat at namangha ang mga nakasaksi sa kakaibang kabuting-loob na ipinakita ng judge. Hindi lang ito ang unang pagkakataon na nagpakita ng awa at kagandahang loob ang mga Emiratis. Noong Agosto, pinalaya ni President Sheikh Khalifa ang halos 669 na bilanggo sa pag-celebrate ng Eid Al Adha. Higit pa rito’y pinatawad niya ang mga financial obligations ng mga bilanggo upang makapagsimula ng maayos ang mga ito mula nang sila’y makalaya.

Image Credit: Bill OxfordUnsplash

Keep your personal information secure and avoid sharing them on your community post.