Your browser does not support JavaScript! Grocery Store sa Abu Dhabi ipinasara dahil sa paglabag sa health codes! - MYTFC – Lingkod Kabayan – Middle East Filipino Community Site - MyTFC Lingkod Kabayan is a community site for every overseas Filipino in the Middle East. It aims to provide reliable sources of information and knowledge that will help empower Filipinos, to help assist competent Filipino workforce in connecting them with the local employers and exploring job opportunities around the Middle East.

Grocery Store sa Abu Dhabi ipinasara dahil sa paglabag sa health codes!

Posted by: AdminLD

Jan 07, 2020

Grocery Store sa Abu Dhabi ipinasara dahil sa paglabag sa health codes!

Ipinasara ang Top Save More LLC (Baqala) sa Abu Dhabi dahil sa paglabag sa ilang health code. Ayon sa Abu Dhabi Agriculture and Food Safety Authority, naging threat ang unsafe practices ng grocery store sa kalusugan ng kanilang mga customers.

Mula Hulyo hanggang Disyembre, nagkamit ng multa ang grocery store nang limang beses. Sa bawat pagkakataon ay binigyan ng tsansa na itaas ng grocery store ang quality ng kanilang operasyon. Ngunit, hindi ito naiayos ng grocery store. Ilan sa mga maling practices ng store ay ang hindi maayos na pagstore ng frozen foods sa refrigerator at pagbenta ng mga isda at chicken mula sa ‘di kilala at ‘di aprubadong sources.

Maaaring makakuha ng food poisoning ang mga customers dahil sa mga maling practices nito. Dagdag pa sa health code violations ay ang ‘di pagcommit ng store owners na i-renew ang kanilang mga lisensya.

Image Credit: ElasticComputeFarmPixabay 

Keep your personal information secure and avoid sharing them on your community post.