Your browser does not support JavaScript! BASAHIN: Safety Protocols para as mga pilgrims ngayong Hajj sa Saudi Arabia - MYTFC – Lingkod Kabayan – Middle East Filipino Community Site - MyTFC Lingkod Kabayan is a community site for every overseas Filipino in the Middle East. It aims to provide reliable sources of information and knowledge that will help empower Filipinos, to help assist competent Filipino workforce in connecting them with the local employers and exploring job opportunities around the Middle East.

BASAHIN: Safety Protocols para as mga pilgrims ngayong Hajj sa Saudi Arabia

Posted by: AdminLD

Jul 08, 2020

BASAHIN: Safety Protocols para as mga pilgrims ngayong Hajj sa Saudi Arabia

Kasabay ng desisyon na limitahan ang mga pilgrims ngayong Hajj sa Saudi Arabia, naglabas ng safety protocols ang Saudi Center for Disease Prevention and Control (Weqaya) para sa mga mapapayagang pumunta sa Mecca. Ang mga safety protocols na ito ay makakatulong sa paglimita ng pagkalat ng COVID-19 at makakapagprotekta sa mga pilgrims. 

Mula Hulyo 19, tanging ang mga may permits lang ang maaaring makapunta sa Mina, Muzdalifa, at Arafat. Naglagay rin ng mga signages at mga paalala para sa physical distancing, pagsuot ng masks, paghuhugas ng kamay, at paggamit ng alcohol-based sanitizers. Pinaaalalahanan rin ang mga bisita ukol sa sneezing at coughing etiquette. 

Pinagbabawalan rin ang paghawak o paghalik sa Holy Kaaba at Black Stone. Gagamitin rin ng mga pilgrims ang kani-kanilang personal na rugs para sa kanilang pagdadasal. Lilimitahan rin sa 50 participants ang pagsasagawa ng ritwal na stoning of the devil. Mga sterilized na bato na ipamimigay ng mga organizers ang pwedeng gamitin para rito. 

Bago pa makapasok, kinakailangang nakapagpacheck ng temperatura. Kung sinusupetsyahan na may sakit ang isang pilgim, kinakailangan munang ma-clear siya ng sakit nang isang on-site doctor bago makapasok. Tanging sampung tao lang ang pwedeng pumasok sa 50 square meters tent para makasiguro na may 1.5 meter na distansya ang bawat isa. 

Para maiwasan ang pagkakahawa sa mga restaurants at water cooler stations, tanging pre-packaged meals at bottled waters lang ang pwedeng ihain. Kinakailangan ring sumunod sa striktong patakaran ang mga workers na tutulong sa Hajj.

Image Source: طفاف ابوماجدالسويدي | Unsplash

Keep your personal information secure and avoid sharing them on your community post.