Your browser does not support JavaScript! Bagong regulasyon ng Saudi Arabia makakatulong sa pagbawas ng food waste nang halos 50% pagdating ng taong 2030! - MYTFC – Lingkod Kabayan – Middle East Filipino Community Site - MyTFC Lingkod Kabayan is a community site for every overseas Filipino in the Middle East. It aims to provide reliable sources of information and knowledge that will help empower Filipinos, to help assist competent Filipino workforce in connecting them with the local employers and exploring job opportunities around the Middle East.

Bagong regulasyon ng Saudi Arabia makakatulong sa pagbawas ng food waste nang halos 50% pagdating ng taong 2030!

Posted by: AdminLD

Dec 23, 2019

Bagong regulasyon ng Saudi Arabia makakatulong sa pagbawas ng food waste nang halos 50% pagdating ng taong 2030!

Inaprubahan na ng Eastern Province municipal council ang panibagong regulasyon tungkol sa pagtapon ng mga leftovers o food waste sa pampublikong lugar. Direktang maaapektuhan ang mga negosyo gaya ng hotels, restaurants, at private venues para sa mga weddings at iba pang events. Imbes na itapon sa basurahan ang mga pagkaing hindi nakonsumo, irerequire ang mga establisyamento na ibigay ito sa mga food organization at societies.

Bawat business ay kinakailangang pumirma ng agreement na katuwang ang food societies. Kasabay sa pag-assist ng pagtapon ng food wastes, bibigyang edukasyon rin ang bawat establisyamento tungkol sa pagbabawas ng food wastes. Hindi makakapag-renew ng business licenses ang mga negosyo na ito, kung hindi makakapagpakita ng signed agreement na katuwang ang mga food societies na ito. Layunin ng bagong regulasyon na ito ang mapababa ang mga nasasayang pagkain nang 50% pagdating ng taong 2030.

Isa sa mga food societies na kasapi ay ang Saudi Food Bank (Eta’am). Mayroong itong limang lokasyon sa Dammam, Jubail, Al-Ahsa, Jeddah, at Riyadh. Nakikipagtulungan na ang halos 26 hotels, 42 restaurants, 466 wedding halls, at 13 companies kasalukuyan. Mayroon na rin itong natipid na 1,975,000 meals na ipinamigay sa 20,000 individuals.

Ayon sa Manila Bulletin, mayroong 250 kilograms (550 pounds) na pagkain ang naitatapon kada taon ang bansang Saudi Arabia.

Image Credit:  chefjoannabarajasPixabay

Keep your personal information secure and avoid sharing them on your community post.