Your browser does not support JavaScript! Babala ng DFA sa ang mga OFWs sa Saudi Arabia: 'Maging maingat sa inyong social media posts' - MYTFC – Lingkod Kabayan – Middle East Filipino Community Site - MyTFC Lingkod Kabayan is a community site for every overseas Filipino in the Middle East. It aims to provide reliable sources of information and knowledge that will help empower Filipinos, to help assist competent Filipino workforce in connecting them with the local employers and exploring job opportunities around the Middle East.

Babala ng DFA sa ang mga OFWs sa Saudi Arabia: ‘Maging maingat sa inyong social media posts’

Posted by: AdminLD

Jul 01, 2020

Babala ng DFA sa ang mga OFWs sa Saudi Arabia: ‘Maging maingat sa inyong social media posts’

Nagbigay ng babala ang Department of Foreign Affairs na mag-ingat sa mga social media posts ang mga OFWs na nasa ibang bansa, partikular na ang mga nasa Saudi Arabia. Pinaalala ng departamento na strikto ang cyber crime law sa ibang bansa. Anumang post na nakakadungis ng reputasyon ng kanilang host country ay maaaring makasuhan ng cyber libel.

Diin ito ni DFA Undersecretary for Migrant Workers’ Affairs Sarah Lou Arriola matapos maaresto ang isang OFW sa Riyadh noong Hunyo 22. Naglabas ng video kung saan siya’y naghahanap ng pagkain sa mga basurahan. Napag-alamanan na ang viral video na ito ay staged at hindi totoo. Dagdag pa nito na hindi siya nakakatanggap ng sweldo mula sa kanyang employer, ilang buwan na ang nakalipas 

Ani ni Undersecretary Arriola, “Please be careful with your social media posts. You cannot ruin the reputation of the company you are working for… They are very strict with cyber libel.” Giniit rin ng DFA na patuloy ang pagbibigay ng food assistance ng gobyerno para sa mga OFWs. 

Isa sa mga pinaka-naapektuhan ng COVID-19 ang sektor ng mga OFWs. Mahigit 50,000 OFWs na mula sa iba’t ibang bansa ang umuwi na sa Pilipinas. 

Image Source: dole777Unsplash

Keep your personal information secure and avoid sharing them on your community post.