Your browser does not support JavaScript! 5 times Kathniel made us believe in love - MYTFC – Lingkod Kabayan – Middle East Filipino Community Site - MyTFC Lingkod Kabayan is a community site for every overseas Filipino in the Middle East. It aims to provide reliable sources of information and knowledge that will help empower Filipinos, to help assist competent Filipino workforce in connecting them with the local employers and exploring job opportunities around the Middle East.

5 times Kathniel made us believe in love

Posted by: AdminLD

Jul 10, 2020

5 times Kathniel made us believe in love

On-screen or off-screen, hindi makakaila na nakakakilig ang tambalang KathNiel. At sa bawat panonood ng kanilang mga pelikula, interviews, at live performances, napapaniwala nila tayo sa Tunay na Pag-ibig. More than being a love team, ang KathNiel ang nagiging batayan ng ating #couplegoals.

Heto ang ilang instances na pinaniwala tayo ng KathNiel sa love:

Image Source: @bernardokath | Instagram

1. They do special things for each other. 

Hindi ba’t nakakakilig kapag may kusa kang ginagawa para sa iyong minamahal? Pwes! Ganun na ganun si Daniel at Kathryn sa isa’t isa. Off camera, tunay na may mga ginagawa silang espesyal para sa isa’t isa. Tignan na lang noong May 23 na nagluto ng Japanese dinner si Daniel para kay Kathryn. 

Video source: Gandang Gabi Vice | ABS-CBN News | Youtube

2. Kilalang kilala nila ang isa’t isa (and they’ve accepted each other!)

Kitang kita ng lahat kung gaano kakilala ni Kathryn at ni Daniel ang bawat isa. Sa tuwing may interviews, guestings, at social media posts, lumalabas ang mga tiny tidbits ng kanilang personal life. Nakakamangha na alam nila pati ang paghilik nila! 

BONUS: Tignan nyo kung gaano ka-sweet yung kulitin nila dito.

Video Source: 2019 All Star Games, ABS-CBN Entertainment | Youtube

3. Very supportive sila sa isa’t isa.

Since 2011, sinusuportahan na ni Kathryn at Daniel ang isa’t isa sa kanilang joint projects—pero hindi yun nagtatapos dun! Patuloy ang suporta ni KathNiel sa kanilang personal na projects. Personal cheerleader ni Daniel noong 2019 All Stars Games si Kathryn. Habang buong pusong sinuportahan ni Daniel ang Hello, Love, Goodbye pelikula ni Kathryn at Alden Richards. Ayon sa interview ni Kathryn sa Rappler, si Daniel ang naging source of inspiration at naramdaman niya ang tulong at suporta nito. Aniya, “My success is yours.” 

4. Ibang klase ang chemistry nila!

Mapa-movie, pictorials, or advertisements, hinding hindi made-deny ang chemistry ng tambalang KathNiel. Tunay na emosyon ang lumalabas sa kanilang bawat galaw. 

Cant Help Falling In Love GIF - Find & Share on GIPHY

Image Source: Can’t Help Falling In Love | ABS-CBN Film Productions, Inc.

5. 8 years na silang together

At syempre, ilang taon na nila tayo pinapakilig! Pero higit pa rito, mas nakakakilig na antagal na nilang tunay na nagmamahalan. Their love stood the test of time, ika nga! 

Gusto mo bang maniwala sa love? Panoorin si KathNiel sa The Hows of Us at Can’t Help Falling In Love ngayong buwan ng Hulyo!

Image Source: Screenshot from The Hows of Us | ABS-CBN Film Productions, Inc.

Keep your personal information secure and avoid sharing them on your community post.